NINJA'QUOTE OF THE WEEK-->"Pinapaikot mo lang ako. Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mlo na lang ako" - ELECTRIC FAN Blog ng Sertipayd NinjaKool: Kathang NinjaKool
Showing posts with label Kathang NinjaKool. Show all posts
Showing posts with label Kathang NinjaKool. Show all posts

Saturday, June 13, 2009

ISKUL NINJAKOOL!!!

"Mula sa pagkabagot naisip ang isang obra, mula sa wula lang akong maisip i-share dumating ang di kapani-paniwala, at mula sa kunwari kong pag-iisip ito ang umilaw sa pundido kong bumbilya"

A Ninjakool FILM

Mula sa produksyon ng NINJAKOOL
Inihahandog sa inyo ng Kathang Ninjakool
Ang kwentong pupukaw at aantig sa inyong puso't isipan na gawa mismo ng kapwa niyo ninjakool
Sa pagkakamaling Direksyon ni Juan Pilibustero
Na isinulat ni Pampam

Photobucket

Ang kwentong ito na pinamagatang Iskul Ninjakool ay patungkol sa lipunang ginagawalan ng mga kabataan lalu na sa iskul, kung papanu nila lalagpasan ang mga panganib na nagbabadya sa bayan ng Ngongoha at mawari ang tama sa mali....Ay, ewan!! Basta naisip lang ni Pampam gawin ang kwentong ito para tugunan ang pag-aabang nio ng manga episodes ng paborito niong mga anime sa net. Ang pagka alala ko si Nauto ang bida na saksakan ng hangin ngunit pagdating sa crush niang si Chipipay kinakabog naman xa ng katorpehan. Si Saski ang karibal niang doble sa saksakan ng hangin kumpara ke Nauto na puno ng pang araw araw na madilim na balak sa Ngongoha. Ngunit tutulungan si Nauto ng kanyang Master na si Kibits na xa namang kapatid ni TataEmo, ang ama ni Nauto. Na karibal naman ni NokNok sa puso ng nanay ni Nauto na si Tsupaen..Gets??!! Ayb asta tuned in ka na lang dito sa ninjakool para sa mga kapanapanabik na kabanata ng ISKUL NINJAKOOL!--ciao=p

Syensya na mga repa la na ako maisip idagdag sa explanation^_^v magbubukang liwayway na natutuyo na yung grasa sa neurons ko at gasolina ng cerebellum ko=p..

Sunday, May 24, 2009

985, 443, 340

"Bawal textmate!"
Naniniwala ka ba sa "One Great Love?" Yung meron isang tao na para sayo lang? Na sa kanya mo lang pwedeng ibigay ang sarili mo ng buong buo? Na sa kanya ka lang talaga magiging totoong masaya?

Yuck ang corny.

LOL.

Pero...why not? What if? Ang gulo ko naman...ganito daw kapag nasobrahan mong manuod ng mga Koreanovela or ng mga masasakit sa dibdib na Korean Melodramas kung tawagin. kakatapos ko lang kasi magbabad sa mga pelikulang Windstruck at The classic for the 983,234,345th time kaya ganito ako ngayon. You don't know Windstruck and The Classic? Pfttt. Sige, take a moment para i-Google muna yang mga pelikulang yan. No internet connection? Ano ka, ice age?

MOving on, kaya ko lang naman naisip yang "One Great Love" na kaek-ekan na yan ay dahil ilang buwan na akong possessed. In short, wala sa sarili. In shorter, praning. In shortest? Suicidal. Dahil? Sa lalake. Dahil? Gago ang mga lalake (OK fine, hindi lahat). At OK fine, OA moment ko lang na sabihing suicidal ako. Pero aminin mo, minsan nakaramdam ka na rin na parang guguho ang Pyramids of Egypt kapag iniwan ka nya. Kung hindi, manhid ka siguro. Or kung hindi, sa malamang hindi mo pa nami-meet si "One Great Love" na either mamahalin ka ng bonggang-bongga or papaiyakin ka na parang $345, 984, 823 ang halaga ng bawat patak ng luha mo.

And no, this is not a lovestory. This is my attempt to understand the term "one Great Love."

Pano mo ba malalaman na ang meron kayo ay tinagurian nang "One Great Love?" Kapag ba (a) Masaya ka kahit na puro bagsak grades mo basta ang mahalaga ay magkasama kayo? (b) Parang may mga paru-paru sa daanan nyo tuwing nagtsro stroll kayo sa Burnham Park? (c) Pipilitin mong magising magdamag para lang titigan sya sa pagtulog? or (d) Kaya mong i-give up ang lahat lahat para sa kaligayan ninyong dalawa?

May nabasa ako dating korning quote: "One cannot question the existence of feelings...they are there, Raw and Undeniable...But one can choose not to nurture what is felt...yet no mater what they say, what has been felt will always be more honest than what was chosen..."

Oha, oha. Huwag ka nang kumontra, unless makagawa ka din ng quote na mas matindi pa dyan. Yung English din dapat. Pakiforward na lang sakin kung meron. 09198764450. And no, hindi ako naghahanap ng textmate. Jologs mo ha.

Pero ang katotohanan, dyan ko naintindihan ang "One Great Love." Na hindi dahil 234, 345, 452 years na kayong mag-on ay sya na ang "One Great Love." Dahil kung hindi sya ang 'One Great Love" mo ay meron at merong darating na gigisingin ang natutulog na totoo mong damdamin. Dahil dalawa lang naman ang magpapatunay na na-meet mo na si "One Great Love" mo at eto ay ang mamahalin ka nya ng bonggang bongga at pagkatapos ay papaiyakin ka nya na parang $345, 984, 823 ang halaga ng bawat patak ng luha mo. Oo, inulit ko lang yung sinabi ko kanina. Swerte mo kung mamahalin ka lang nya na parang Merry Christmas araw-araw.

Si "One Great Love" ko? Ayun, ginawang Biyernes Santo ang araw-araw ko. Inaantay ko na lang na malunod ako sa sarili kong mga luha na parang The Great Flood Part 2. Minsan lang kasi kung gamitin natin ang ating mga puso. Minsan ka lang magmamahal na parang Happy New Year tuwing magkasama kayo. Minsan mo lang ipapagamit ang puso mo, hindi uso dito ang ukay-ukay. Pero hindi ibig sabihin na magiging mapili at mapag matyag ka dahil lalo mo syang hindi makikita. Hintay lang, magbabanggaan din kayo. Madadapa ka at pupulutin ka nya. Malulunod ka at bibigyan ka nya ng mouth to mouth resucitation. Tatalon ka sana mula sa 689, 895, 489th floor pero hihilahin ka nya at aakapin ng mahigpit.

Minsan lang...sayang, hindi ko naipaglaban yung sakin...

2060503

"Huwala ka na talga magagawa kung minamalas ka!"
Rain…

Rain…

Go away, come again another day.

ASA!!! Kelan pa di umulan dito sa Konoha? In short, Baguio City pala. Ganito na ang panahon dito mula nung unang tumuntong ako sa Ninja Academy, in short, Saint Louis University pala. PhotobucketTama nga ang iniisip mo, adik ako sa anime na bukambibig ng mga kabataan ngayon, ang Naruto. Meron nga akong biniling protective gloves at headgear ng Konoha sa may U.B. Square Isang pagpapatunay na kabilang ako sa pangkat ng mga ninja ng Konoha.

Kaso mas type ko yung design ng bayan ng Sona. Apmfff.

Pero hindi yan kasama sa kwento ko. Ang kwento ko ay magsisimula sa tamabayan ko. Sa South Park, kung saan nagsimulang managinip ng gising ang isang katulad ko na walang alam gawin sa buong araw kundi mag DOTA at mag-spot ng mga chiks sa dungeon ng La Azotea.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban kay Urochimaru (in my imagination) ng magulantang ako ng isang pamilyar na boses na pumukaw sa kaibuturan ng aking isipan.

“Hoy! Asa ka Empoi nanaginip ka na naman ng gising jan, late ka na naman lolz”. Sabay tapik sa ulo ko ng payong ng matalik kong ka bords na itago natin sa codename na Bisukol. Nang mga sandaling iyon agad kong kinapkap ang payong na binili ko kahapon kay Manong repair-payong na nagkakahalaga ng singkwenta pesos na kung saan katumbas na nito ang isang budget meal sa karinderia sa may Post Office, Chicken Steak Meal ng KFC plus 8 pesos kasi tumaas na ngayon ang bigas o ang 3-hours promo ng South Park para makapaglaro ako ng DOTA.

“Puocha!Photobucket Nakalimutan ko payong ko Bisukol, pahiram naman ng Fiberella mo na payong”. Pagmamakaawa ko sa aking kabords ng mga sandaling iyon na nakadungaw sa kawalan at nag aabang na ng dadaan na chiks. At sa pagkakataong iyon ipinagdamot nia sa akin yung payong dahil uuwi din daw siya kuno pag nakakita na ng chikas na siya namang bubuo ng kanyang araw.
Hays, minsan pinangarap ko na kung mapapabilang ako sa grupo nila Optimus Prime ng AutoBot Transformers. Sana mag transform nalang ako na isang payong. Shit! Mahuhuli ako sa aking klase ng sampung minutos kung hindi ko na sisimulan ang alay lakad ko patungong SLU. Wala na akong magagawa kung hindi maglakad at suongin ang malakas na ulan, buti na lang naka tsinelas ako. Inisip ko na lang na hindi ako tinatablan ng ulan at isa akong waterproof na nilalang. Kung bakit kasi signal number 3 eh may pasok ang SLU, pakshet! Samantalang kung signal number 1 o 2 eh wala naman. Ewan ko nga ba sa matatalinong utak ng mga nasa administrasyon.

Pagkaraan ng sampung minutos ng pakikibaka sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, na late ako sa unang klase ko sa unang araw ng pasukan sa aking ika-apat na taon sa SLU. Eh kung bakit kasi nakalimutan ko yung I.D. ko. Sinubukan kung mag ninja moves kaso sinita pa rin ako ng Enriquez Bros. Sila ang guardians ng SLU against criminals. Oo, criminal yung term kasi halos ituring kang isang villain kung hindi mo suot ang plaka mo bilang estudyante ng SLU.

Hingal na hingal akong pumanhik sa stairways to heaven ng Otto Hahn, at agad na pumasok ng room H615 sa klase ko ng Electronics. Lahat nag tinginan sa akin. Wala man lang akong makilala sa mga kaklase ko. Sa sobrang kahihiyan, dali dali akong nag hanap ng mauupuan sa likod nang nakayuko ang aking ulo. Hindi ko pa nalalasap ang sarap ng pag-upo sa silyang kulang ng isang paa para mapawi ko man lang ang kahihiyan dahil sa pagka-late ay agad akong tinawag ng aking prof.

“Sir, why are you late in the first day of your class”?

Nadale na. Tumirik ang bilyong neurons ng aking utak animo’y kinulang sa gasoline. Kung hindi naman, kinalawang na dahil sa hindi na ginagamit. Nagtitigan kami ng halos isang minuto, nanlilisik ang mga mata niya para bagang bubulwak na ang kanyang mga eyeballs. Sa mga sandaling iyon tumigil ang mundo ko hanggang sa nag voice over ang boses ng idol kong si Naruto.

” Isa kang ninja Empoi at yakang yaka mo yan. Utakan mo lang yan at matatapos ang iyong problema”.

Oo nga, tama siya at dahil isa akong ninja mabilis akong naka-isip ng isasagot ko. Photobucket

“Ah..Eh..Ma’am, kasi …..Bumili po kasi ako ng NFA rice, eh mahaba po yong pila that’s why I’m late”.

Hindi nakaimik ang prof ko at nagkaroon ng masigabong palakpakan sa apat na sulok ng H615. Feeling ko tuloy nanalo ako sa GameShow. Pagkalipas ng bente minutos dinismis na kami ng aming prof. Deym! Hindi siya nag-check ng attendance, nag pa cute lang pala kami sa isa’t-isa sa unang araw ng klase. Hindi na lang sana ako pumasok. Sayang ang ex-pi ko sa pag doDOTA.

Yan ang unibersidad namin, parang isang maliit na bansa kelangan may plate number kang dala kung hindi sisitain ka ng guardians at bibigyan ka ng ticket tulad ng ginagawa ng MMDA para magpaliwanag ka sa himpilan ng SAO. Speaking of SAO, owning na yata ako ng pagrecover ng mga na drop na class cards ko since first year. Ganyan talaga ang engineering. Normal lang daw yung ganun, ika nga ng mga sinaunang tao ng Otto Hahn. Alas dos na ng hapon at papasok na uli ako sa susunod kong klase. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at wala pa rin akong makitang manenenok na payong. Walang pinagbago ang mga classrooms na dinatnan ko nung first year ako. Ganun pa rin ang itsura ng mga pader, sari-saring interpretasyon ng mga Heiroglypics symbols ang naka display sa apat na sulok ng silid. Sumagi sa isip ko na isa palang malaking Art Gallery ang SLU. Sa dinadami ba naman ng mga drawings sa pader ng kung anu anung hugis, pati sa upuan hindi pinatawad ng mga Artists. Kung di mo rin natatanong, isa ring malaking Phone Directory ang SLU. Mapa C.R. man o sa armchair makakakita ka ng mga taong gustong makipag textmate, s*xmate o kaya naman callmate. Ito siguro yung mga taong desperado na sa buhay at naghahanap ng mag loload sa kanila o kaya naman may gustong iparating sa unibersidad na patuloy pa ring nag bibingi bingihan sa mga hinaing ng mga katulad ko.

Hindi ganun kadali ang buhay ng mga engineering students. Wala sa hitsura pero kung kakausapin mo sila ng heart to heart malalaman mo na maraming pighati at pasakit ang dumadating sa buhay nila araw-araw. Kung hindi niyo naitatanong, ang CEA ay hindi mahilig sa mga school activities at mas gusto pa nilang walang pasok. Kagaya na lamang nung may protesta tungkol sa pagtaas ng tuition fee. Lahat nag- iingay na sa saliw ng gong sa mga pasilyo ng bawat college building samantalang ang mga CEA nasa mga silid at nagpapakahirap makakuha ng grado na 73 para ma round off to 75, at voila! Pasado na. Kaya hindi rin ninyo masisisi ang mga engineering students mga bords. Naalala ko tuloy yung bilin sa akin ng idolo ko na si Paulo Coelho:

“Hindi lahat ng bagay ay nakukuha ng madalian, lahat ng inaasam mo ay may katumbas, kaya kailangang paghirapan mo at magsakripisyo ka para makuha ito.” Ganyan nga ang ginagawa namin ngayon, mahirap pero masarap. Mahirap dahil kelangan mo bumangon ng 7:30 sa umaga para mangopya pa ng assignment at mag rush ng mga research theories na magagawa naman sa gabi kung hindi lang dahil inubos lahat ng oras sa paglalaro ng DOTA. Masarap dahil pagkatapos mag quiz at sigurado namang itlog ulit ang score, dadaanin nalang sa maboteng usapan - GSM Blue man o red horse, solb pa rin. Pwede rin Empi o kaya Generoso. Mas maigi kung Tanduay o kaya naman tapoy. Ganyan talaga ang engineering, parte na yan ng lifestyle namin.
Hindi ako naniniwala sa isang commercial sa National Geographic Channel na nagsasabing, "we are trapped in a conditioned reality," dahil may freewill tayo mga bords. Nasa sa atin ang desisyon kung papano papatakbuhin ang buhay na nailaan sa atin ng kung sino man ang lumikha sa Mother Earth. Ews,whateeeeeever!

Ala-sais na ng gabi at wala na akong klase. Oras na para umuwi. Tumila na rin ang malakas na ulan. Sayang naman tong nanenok kong payong sa Drawing Room ng Perfecto. Naisip ko pang mag-DOTA kaso ano kaya kung maiba naman ngayon. Uuwi na lamang ako at hihiga sa malambot kong kamaPhotobucket. Iiwan ang mga pasakit at paghihirap ng araw na ito sa pagdating ng takip silim. Babalutin ang sarili sa nanganagamoy amag ng kumot panlaban sa lamig ng gabi. Hays, this is the life! This time, matutulog na lang ako ng mahimbing at hindi na mananaginip ng gising.

if study=no fail
no study=fail then,
study+no study=fail+no fail
By factoring:study(1+no)=fail(1+no),
divide both sides by (1+no):

STUDY=FAIL

ano aaral pa ba kayo? ASA.