Yuck ang corny.
LOL.
Pero...why not? What if? Ang gulo ko naman...ganito daw kapag nasobrahan mong manuod ng mga Koreanovela or ng mga masasakit sa dibdib na Korean Melodramas kung tawagin. kakatapos ko lang kasi magbabad sa mga pelikulang Windstruck at The classic for the 983,234,345th time kaya ganito ako ngayon. You don't know Windstruck and The Classic? Pfttt. Sige, take a moment para i-Google muna yang mga pelikulang yan. No internet connection? Ano ka, ice age?
MOving on, kaya ko lang naman naisip yang "One Great Love" na kaek-ekan na yan ay dahil ilang buwan na akong possessed. In short, wala sa sarili. In shorter, praning. In shortest? Suicidal. Dahil? Sa lalake. Dahil? Gago ang mga lalake (OK fine, hindi lahat). At OK fine, OA moment ko lang na sabihing suicidal ako. Pero aminin mo, minsan nakaramdam ka na rin na parang guguho ang Pyramids of Egypt kapag iniwan ka nya. Kung hindi, manhid ka siguro. Or kung hindi, sa malamang hindi mo pa nami-meet si "One Great Love" na either mamahalin ka ng bonggang-bongga or papaiyakin ka na parang $345, 984, 823 ang halaga ng bawat patak ng luha mo.
And no, this is not a lovestory. This is my attempt to understand the term "one Great Love."
Pano mo ba malalaman na ang meron kayo ay tinagurian nang "One Great Love?" Kapag ba (a) Masaya ka kahit na puro bagsak grades mo basta ang mahalaga ay magkasama kayo? (b) Parang may mga paru-paru sa daanan nyo tuwing nagtsro stroll kayo sa Burnham Park? (c) Pipilitin mong magising magdamag para lang titigan sya sa pagtulog? or (d) Kaya mong i-give up ang lahat lahat para sa kaligayan ninyong dalawa?
May nabasa ako dating korning quote: "One cannot question the existence of feelings...they are there, Raw and Undeniable...But one can choose not to nurture what is felt...yet no mater what they say, what has been felt will always be more honest than what was chosen..."
Oha, oha. Huwag ka nang kumontra, unless makagawa ka din ng quote na mas matindi pa dyan. Yung English din dapat. Pakiforward na lang sakin kung meron. 09198764450. And no, hindi ako naghahanap ng textmate. Jologs mo ha.
Pero ang katotohanan, dyan ko naintindihan ang "One Great Love." Na hindi dahil 234, 345, 452 years na kayong mag-on ay sya na ang "One Great Love." Dahil kung hindi sya ang 'One Great Love" mo ay meron at merong darating na gigisingin ang natutulog na totoo mong damdamin. Dahil dalawa lang naman ang magpapatunay na na-meet mo na si "One Great Love" mo at eto ay ang mamahalin ka nya ng bonggang bongga at pagkatapos ay papaiyakin ka nya na parang $345, 984, 823 ang halaga ng bawat patak ng luha mo. Oo, inulit ko lang yung sinabi ko kanina. Swerte mo kung mamahalin ka lang nya na parang Merry Christmas araw-araw.
Si "One Great Love" ko? Ayun, ginawang Biyernes Santo ang araw-araw ko. Inaantay ko na lang na malunod ako sa sarili kong mga luha na parang The Great Flood Part 2. Minsan lang kasi kung gamitin natin ang ating mga puso. Minsan ka lang magmamahal na parang Happy New Year tuwing magkasama kayo. Minsan mo lang ipapagamit ang puso mo, hindi uso dito ang ukay-ukay. Pero hindi ibig sabihin na magiging mapili at mapag matyag ka dahil lalo mo syang hindi makikita. Hintay lang, magbabanggaan din kayo. Madadapa ka at pupulutin ka nya. Malulunod ka at bibigyan ka nya ng mouth to mouth resucitation. Tatalon ka sana mula sa 689, 895, 489th floor pero hihilahin ka nya at aakapin ng mahigpit.
Minsan lang...sayang, hindi ko naipaglaban yung sakin...
No comments:
Post a Comment