NINJA'QUOTE OF THE WEEK-->"Pinapaikot mo lang ako. Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mlo na lang ako" - ELECTRIC FAN Blog ng Sertipayd NinjaKool: Bob Ongs' words of wisdom para sa mga KIBITS!!!

Monday, May 25, 2009

Bob Ongs' words of wisdom para sa mga KIBITS!!!

"Dahil sa mga oras na to' huwala ako maisip i share, napagpasyahan kong ihandog sa inyo ang mga pangral ni repang Bob: Isang tunay na NinjaKool"
Heto ang kanyang mga pangaral sa bawat Ninjakool ng mundo:

1. "Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao."

2. "Nalaman kong habang lumalaki ka, madaming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

3. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

4. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Huwag mong hahawakan kung alam mong bibitwan mo lang.

At huwag na huwag lang hahawak kung alam mong may hawak ka na."

5. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka... Kaya quits lang."

6. "Kung dalawa mahal mo piliin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

7. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, dahil hindi ikaw ang priority."

8. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya."

9. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

10. "Ang pag-ibig parang imburnal... Nakakatakot mahulog... At kapag nahulog ka, it's either by accident o talagang tanga ka."

11. "Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo naming makasakit."

12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

13. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. 'Meron talagang mga taongsadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

14. "Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

15. "Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang magyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din."

2 comments: